Batuan, Masbate vice mayor tinodas sa Manila

Binaril at napatay ang vice mayor ng Batuan, Masbate sa Sampaloc, Manila, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Charlie Yuson III.

Nasugatan naman sa nasabing insidente si Wilfredo Pineda at Alberto Alforte na isinugod sa UST Hospital para gamutin.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga biktima ay nag-aagahan sa harap ng isang bahay sa kahabaan ng VG Cruz Street nang pagbabarilin sila ng hindi nakikilalang mga suspek.

Mabilis naman tumakas ang mga suspek gamit ang isang ‘get away car’ na gray van na may plate number ACM 8804.

Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *