Bagyong Hagibis, ‘di na tatama sa Pilipinas

Hindi na tatama sa Pilipinas ang inaasahang super typhoon na may international name na Hagibis, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA).

Ayon sa PAGASA lumihis ng direksyon ang bagyong Hagibis kaya sa halip na pumasok sa Philippine Area of Responsibility(PAR) gaya ng naunang weather forecast ay mangingilid na lamang ito sa northeastern part ng bansa bago tuluyang tumama sa Japan kung saan ito maglalandfall sa darating na weekend.

Nauna rito, sinabi ng Joint Typhoon Warning Center(JTWC) na naging mabilis ang paglakas ng bagyong Hagibis, mula sa isang tropical storm ay naging super typhoon sa loob ng 24 oras, taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 200kph, bugso na 245kph at kumikilos sa bilis na 20kph.

Napakalawak umano ng sirkulasyon ng bagyong Hagibis,kung itatapat umano ang lawak ng bagyo ay kaya nitong takpan ang buong kaulapan ng Pilipinas kaya tiyak na magdudulot ng pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa ngayon ay walang direktang epekto ang bagyong Hagibis sa bansa.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *