8-milyong baboy makokontamena ng ASF dahil sa naantalang financial aid ng DA

Nagbabala ang Philippine Association of Hog Raisers Inc. (PAHRI) nitong Miyerkoles na posibleng maapektuhan lahat ang 8 milyong baboy sa buong bansa ng African Swine Fever kung mabibigo ang Department of Agriculture na lutasin ang pagkakaantala ng financial assistance sa mga hog raisers.

Ayon kay Nicanor Briones, vice president of PAHRI, ang pinangako na P3,000 sa bawat nagkasakit na baboy ay hindi natutupad sa tamang panahon kung saan itinatapon ng mga magbabaoy ang kanilang mga namatay na alaga sa mga ilog.

“Una ‘yung pera. Nag-start ‘yung problema ng Aug 17.  Ano na ngayon, October. Ilang buwan na, wala silang pondo na binabayad sa tinatamaan. At ang ginagawa utang,” pagdidiin ni Briones.

“Paanong mangyayari na magsu-surrender ang magbababoy eh tatatlong libo na, uutangin pa. Ang pagbabayad sa Pampanga ay sa December pa magbabayad. Malaking kalokohan,” pahayag pa nito.

“Huwag tayong umasa na matitigil ang ASF kung ganyan ang sistemang ginagawa ng Department of Agriculture. Dapat bayaran nang tama, bayaran agad. Kung hindi, gaya sa sinasabi ko, puwede in three months’ time, aabot sa walong milyon na baboy,”dagdag pa ni Briones.

Samantala, ipinanukala naman ni AGAP party-list Representative Rico Geron na taasan ng Agriculture Department ang halaga ng 70% ang market value ng bawat baboy na pinatay, binanggit nito na ang halaga ng ng pagaalaga ng baboy ay aabot sa P10,000 hanggang P12,000 bawat isa.

Ang P3,000 financial assistance ay wala pang kalahati sa market value ng baway baboy, ayon sa mambabatas.

Nanawagan din si Gern sa gobyerno na tigilan na ang pag-importa nito ng mga pork products.

“Doon sa ating panawagan na itigil ang pag-import. Alam n’yo ho ‘yung konsepto na kayo ay nagwawalis ng inyong bakuran dahil madumi tapos ‘yung kapitbahay mo ay kita mong doon tinatapon ang basura niya,” ani Geron.

“Linisin muna natin at patigilin muna natin ‘yung potential na magdadala ng sakit dito sa ating bansa,” dagdag pa nito.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *