13 pulis na sangkot sa drug recycling itinanggi ni Albayalde na mga ‘bata’ niya

Itinanggi ni Philippine National Police chief Police General Oscar Albayalde nitong Miyerkoles na si Major Rodney Baloyo IV at ang 12 iba pang police officers na sangkot sa kontrobersiyal na November 2013 buy-bust operation ay kanyang mga ‘bata’ o ‘loyal men.’

Sa kanyang opening statement sa pagpapatuloy ng Senate hearing, sinabi ni Albayalde na nang italaga siya na pamunuan ang Pampanga Provincial Police Office noong May 1, 2013, si Baloyo at ang iba pang police officers ay naroroon na.

Aniya, nais sana niyang italaga si Superintendent Raquel Linggayu bilang Pampanga intelligence chief subalit ang nasabing posisyon ay hawak na ni Baloyo.

“When I was assigned in Pampanga wala akong bitbit (na tao). Just to make things clear kasi parang may notion na bitbit ko ang mga tao na ito from the very beginning,” aniya.

Sinabi rin nito na ang 13 Pampanga police officers ay hindi niya mga “bata.”

“Bata is a general term used sa mga tao. Kapag sinabing batang sarado ‘yan ay bitbit ko from the very beginning,” aniya.

Nauna rito, sinabi ng noon ang Region 3 police chief Aaron Aquino, na tumawag sa kanya si Albayalde na binanggit na ang 13 tauhan bilang “mga tao ko sila”, nang makiusap umano ang huli na huwag munang ipatupad ang dismissal order.

Idinagdag pa ni Albayalde na hindi siya nakasuhan ng kriminal o administratibo matapos siyang masipa sa kanyang posisyon dahil sa buy-bust operation na pinamunuan ni Baloyo.

“Way back 2013, the case was investigated, I was investigated, I was relieved administratively. I was floating for eight months, after investigation very clear naman na walang nakita kasi I was never charged, both criminally and administratively,”aniya.

Kinumpirma naman ng noo’y Region 3 police chief Raul Petrasanta ang pahayag ni Albayalde nang tanungin ni Senator Panfilo Lacson.

“Nung kinreate ‘yung summary hearing board ‘yung grupo lang ni Balayo ang kasama, hindi nabanggit sa investigation si Albayalde,” ani Petrasanta.

Paulit-ulit na tinanong ni Senator Richard Gordon, committee chairman, kung bakit hindi kinuwestiyon ang pagkakasibak kay Albayalde na sinagot ng huli na sumunod lamang siya sa utos ng kanyang mga superiors.

“You just follow orders and wait for the right timing until I was able to get another post. You cannot make a motion when you are in a floating status, it is part of the service. Kaya tayo nagre-relieve to give way to the investigation,”paliwanag ni Albayalde.

Ipinagtanggol ni Lacson, dating PNP chief, si Albayalde.. “Not to defend General Albayalde … part of the training, basic principles of PMA (Philippine Military Academy), he who does not obey is not fit to command. We follow… I beg your indulgence, culture sa military and police ang aming kinagisnan: We never question why we [are] relieved. We never question our superior officers. No such thing in the military or police organization,” aniya.

“Iba ang kultura sa civilian especially sa civilian government, puwede mag-motion for reconsideration. Sa amin hindi ganoon pag tinanggal ka, without asking why, we follow,” dagdag pa nito.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *