1 pang ‘ninja cop’ pina-contempt ng Senado sa ‘di pagdalo sa hearing

Pina-contempt at ipinaaresto ng Senate blue ribbon committee, kasama ang may pitong Senate panels, nitong Miyerkoles ang isang pulis na umano’y sangkot sa drug recycling dahil sa hindi pagdalo sa pagpapatuloy ng hearing kaugnay sa “ninja cops.

Si Senior Police Official 1 Ronald Santos ay isa sa 13 police officers na inaakusang sangkot umano sa November 2013 anti-drug operation sa Pampanga kung saan ang umano’y drug recycling sa nabunyag.

Nag-motion si Senate President Vicente Sotto III para I-cite si Santos ng contempt, ang motion ay sinegundahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senate blue ribbon committee chairman Senator Richard Gordon.

Ang motion ay inaprubahan na walang tumutol.

“Is Ronald Santos here? We have been looking for him. We had issued subpoena for him already. He is very important in this case but he has not been showing up,” ani Gordon.

“The Chair [also[ orders his arrest so he can be presented here,” dagdag nito.

Ang 13 policemen ay naunang iniutos na sibakin noong 2014 dahil sa kasong administratibo dahil sa ‘mishandling evidence’, subalit ang dismissal order ay hindi naipatupad hanggang sa nakapagharap sila ng motion for reconsideration noong March 2016.

Ang kasaparusahan ay pagbaba ng kanilang posisyon noong 2017.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *