Batikang actress na si Amalia Fuentes pumanaw sa edad na 78

Yumao na ngayong madaling-araw ang batikang aktres na si Amalia Fuentes sa edad na 78 anyos sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City.

Si Amalia ay pumanaw dakong alas- kwatro ng madaling araw kanina ayon sa pahayag ng pamangkin nitong dating child wonder na si Niño Muhlach.

Dinala sa nasabing hospital si Amalia apat na araw ang nakakalipas dahil sa pagsama ng kondisyon nito makalipas ang ilang taong pagdanas ng karamdaman at pananatiling nakawheelchair.

Ayon kay Niño, kasalukuyang nasa morgue ng St Luke’s si Amalia makaraan ang multiple organ failure.

“Nasa tabi niya ako, nagkaroon siya ng seizures, nakita ko walong beses pa siyang huminga (ng malalim)”, sabi ni Niño Mulach.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *