Filipino, 15 pang crew ng hinuling oil tanker sa Iran pinalaya na—DFA

Pinalaya na ang isang British-flagged tanker, kasama ang Filipino second officer at 15 ibang crew nito, dalawang buwan matapos itong hulihin ng Iran, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, iniulat ng Philippine Embassy sa Tehran kaugnay sa pagpapalaya sa Filipino seafarer at 15 iba pang miyembro ng crew.

Ang pito sa 23 crew nito ay unang pinalaya noong Setyembre 4.

Sinabi ng DFA na ipinarating ni Philippine Ambassador to Iran Wilfredo Santos, ipinarating nito ang pasasalamat ng Gobyerno ng Pilipinas sa sa pagpapalaya sa Filipino crew member, na Second Officer ng Stena Impero, at pagtiyak sa kaligtasan at kalagayan ng lahat ng crew ng Stena Impero.”

Nitong Miyerkules, inihayag ni Iranian foreign ministry spokesman, Abbas Mousavi, ang pag-alis na sa seizure matapos ang isinagawang proseso sa pakikipag-koordinasyon ng foreign ministry sa judiciary at sa port at maritime authorities nito.

“She reached international waters about 15 minutes ago,” ani Erik Hanell, CEO ng kompanya na may-ari ng barkong Stena Bulk, nitong Biyernes, na idinagdag pa nito na ang barko nasa biyahe na patungong Dubai.

Matapos umalis ang barko sa Iran at makarating sa international waters nitong Biyernes, sinabi ni Hanell na “obviously a relief” at idinagdag na ang prayoridad nila ngayon ang mga crew.

“The families of crew members have been informed and the company is currently making arrangements for the repatriation of its valued seafarers at the earliest possible opportunity,” ani Hanell.

Maliban sa Filipino sailor, 13 Indians at dalawang Russians ay pinalaya din nitong Biyernes.

Makikita sa ship tracking website MarineTraffic.com na ang Stena Impero ay patungong south mula Iran sa bilis na mahigit 14 mph (22 kph).

Ang tanker ay kinumpiska ng Iran’s Revolutionary Guards sa Strait of Hormuz noong July 19 matapos paligiran ang barko ng mga attack boats at rappelling sa mga deck.

Ito’y ini-impound sa port ng Bandar Abbas dahil sa kabiguan umanong mag-respond sa distress calls at pagpatay sa transponder nito matapos makasagi ng isang fishing boat.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *