San Beda iginupo ang University of Perpetual Help System DALTA

Nanatili pa rin ang winning streak ng defending champion San Beda matapos hatakin sa 14-0 ang kartada, 75-62 ngayon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Gayunpaman, hindi madaling nakuha ng Red Lions ang panalo, dahil nagpakita ng pag-aalsa ang nakasagupang University of Perpetual Help System DALTA.

Kakaibang Altas ang nasaksihan kahapon kumpara nang ilampaso sila ng Red Lions sa first round.

Sa ikalawang pagkakataon sa tatlong laro, ang San Beda ay naghabol sa halftime, 31-33, nang makipagsabayan ang Perpetual Help hanggang sa payoff period, bago tuluyang kumalas ang Mendiola-based cagers at itatak ang 14th win.

Hindi naman lubusang nasiyahan si San Beda coach Boyet Fernandez, sa kabila ng nasabing panalo.

“It was not really us that played today.

I hope my players realize this.

Mahirap talagang manalo kapag your feet is not in the ground right now.

I’m always been telling my boys to be humble, play your game,” pahayag ni Fernandez.

“We cannot win a championship the way we played today.

Hopefully, we will learn from this.

We will be playing Letran next and I don’t know what will happen on Tuesday.

It’s not a 46-point win but as long as we win, it all matters for me,” aniya.

Si Cameroonian Donald Tankoua ay may double-double performance na 17 points at 12 rebounds, kasama ang dalawang blocks, habang si Calvin Oftana ay nagagdag ng 17 points at nine rebounds para sa San Beda.

Ang iskor:

First Game

San Beda (75) – Oftana 17, Tankoua 17, Canlas 16, Doliguez 8, Soberano 8, Abuda 5, Nelle 4, Alfaro 0, Bahio 0, Cariño 0, Cuntapay 0, Etrata 0, Noah 0.

Perpetual (62) – Aurin 13, Adamos 12, Razon 12, Peralta 11, Charcos 9, Martel 3, Labarda 2, Guissani 0, Lanoy 0.

Quarterscores: 14-12, 31-33, 50-46, 75-62.

Please follow and like us:

1 thought on “San Beda iginupo ang University of Perpetual Help System DALTA”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *