Philippine Blu Girls vs Korea WBSC Asia/Oceania Qualifier

Makakalaban ng Philippine Blu Girls ang Korea sa unang laro sa WBSC Asia/Oceania Qualifier sa Shanghai, China, sa muling pagtatangka na makasungkit ng spot sa 2020 Tokyo Olympics.

Maliban sa Korea, makakaharap din ng mga Pinay ang powerhouse teams na Chinese-Taipei, Australia, China at New Zealand, gayundin ang Indonesia at Hong Kong.

“Everybody in this team, whether player or coach, has an input before the game.

That’s something that’s very relevant in this year’s tournament.

I believe that each and every player and coach has something valuable to contribute into this campaign,” ayon kay John Henri Lhuillier, pangulo ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL).

“I am confident that the RP Blu Girls will do well.

I think this year’s preparations have been the best so far and we have the best team for this tournament” dagdag pa niya.

Gumawa ng ingay ang Blu Girls, world no. 13, sa World Cup at Canada Cup noong 2017, nang talunin ang Canada at Mexico ng dalawang beses, bukod sa pagtalo sa Australia at Chinese-Taipei, na kasama sa world’s top 6 softball teams.

Unang pagkakataon ito na ang softball ay lalaruin sa Olympics, matapos mawala sa kalendaryo ng 2012 at 2016 Summer Olympics.

Ang winner sa qualifier tournament ay sasamahan ang lima pang bansa gaya ng host Japan, 2018 WBSC World Champion USA, wbsc Softball Europe/Africa Olympic qualifier winner Italy at WBSC Softball Americas Olympic Qualifier winner Mexico at runner-up Canada, na sasabak sa Tokyo 2020.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *