‘Pinas handa na ba sa pagbubukas ng SEA Games sa Nobyembre 30?

Nababahala ang Philippine Sports Commission (PSC) chief dahil tatlong buwan na lamang bago ang pagbubukas ng Southeast Asian (SEA) Games, subalit hindi pa nabibibili ang karamihan sa mga gamit na kakailanganin para sa kompetisyon na aniya’y kailangan ng matugunan sa lalong madaling panahon.

“Our biggest concern is the procurement of equipment, so we are giving ourselves up to Monday to solve the issue,” ani PSC Chairman Butch Ramirez nitong Biyernes.

Ang federation ay nagpaabot ng kanilang 61 requests na bilang ng mga equipment na mahalaga para sa pagpapatakbo ng events, subalit 18 pa lamang ang aprubado sa pamamagitan ng bidding process na isinagawa ng PSC.

Hindi naman tinukoy ng mga opisyal na dumalo sa nasabing pulong kung alin sa mga requests ang kumpirmado o naka-pending.

Tinalakay din sa pulong ang transportation, ang ticketing system, ang billeting ng mga delegado, at ang venue management, bagama’t wala pang specifics na binanggit sa mga mamamahayag.

Tinalakay ni Ramirez ang tungkol sa venue concerns, kung saan inatasan nito ang mga sports officials na bumuo ng Plan B kung kinakailangan.

“We have 77 days left.

We have to find a very good solution in case a venue cannot host a particular sport.

There should be quick alternatives,” aniya.

Ang SEA Games ay magbubukas sa November 30 sa Bulacan.

Ani Ramirez, national delegation head para sa SEA Games, itinuturing nito ang pagbili ng mga equipment bilang nakaka-pressure.

“This is like sprinting in a 100-meter dash.

We have no more time.

If there are shortcomings, the PSC will fill in the gaps,” aniya.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano, ang chief SEA Games organizer na dumalo sa nasabing pulong ay nagsabi na ang kanyang grupo ay magtatalaga ng isang tao na makakatulong sa procurement.

Dumalo din sa nasabing pulong sina Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino at iba pang pangunahing local sports leaders.

Tinatayang P600 million ang nakalaan sa pagbili ng mga equipment na gagamitin sa iba’t ibang sports.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *