Guiao, nagbitiw sa Gilas Pilipinas matapos mabokya sa FIBA World Cup stint

Nagbitiw si Yeng Guiao bilang Gilas Pilipinas coach matapos mabokya at matanggal na ang national basketball team sa FIBA World Cup.

Ang resignation ni Guiao ay ipinost sa Facebook page ng Samahang Basketbol ng Pilipinas nitong Miyerkules.

“In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in building and developing a program towards achieving our objective of competing with the best of the best,” ayon sa pahayag ni Guiao.

“I am truly grateful for the opportunity to serve our country through the sport we love most.

Para sa bayan,” dagdag niya.

Samantala, tinanggap ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio ang pagbibitiw ni Guiao na mabigat ang dibdib at pinasalamatan ito sa kanyang naging kontribusyon sa Gilas program.

“Coach Yeng had the enviable task of picking up the pieces for Gilas Pilipinas Men.

While the odds were stacked against him, he boldly took on the challenge, displaying the Filipino’s fighting spirit,” ani Panlilio.

Ipinalit kay Guiao si Chot Reyes bilang head coach ng national team matapos ang ‘bench-clearing brawl ‘laban sa Australia sa ikatlong windows ng World Cup qualifiers noong nakaraang taon.

Si Reyes ay sinuspendi para sa isang laro, subalit hinawakan ni Guiao ang nasabing position para sa tatlong natitirang windows ng qualifiers at nagko-coach sa Jordan Clarkson-reinforced Gilas na nagtapos na panglimang pwesto sa Asian Games.

“I take pride in having taken over the Gilas Program at a point of crisis, where the team was decimated by the suspension of players and coaches after the Australian incident,” ani Guiao.

Ayon sa coach, naging positibo ang kanyang pananaw sa loob ng kanyang paninilbihan matapos na maka-survive ang Gilas sa qualifiers at makapasok sa World Cup bilang isa sa 32 best teams sa mundo sa kabila ng mga kinaharap na mga hamon sa biglaang pagsisimula.

Gayunpaman, inako ni Guiao, ang responsibilidad para sa mahinang performance ng team sa World Cup in China bilang walang nagawang panalo ng Gilas o pinakahuli sa may 32 teams.

“I am sorry we could not deliver a better performance.

Our players gave their best against talented, bigger, stronger, and better prepared athletes from the best teams in the world,” aniya.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *