Letran Knights pinataob ang Benilde sa NCAA season 95

Tinapos ng Colegio de San Juan de Letran ang unang round ng NCAA 95 Men’s Basketball Tournament na may isang malaking panalo kontra sa College of St. Benilde, 88-64, Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Kumamada agad ang Knights sa score na 12-1 sa unang quarter ng laro.

Isa sa mga dahilan kung bakit lalong lumobo ang kalamangan ng Knights ay ang back-to-back three pointer ni Birthday boy Jerrick Balanza at Jeo Ambohot sa score na 82-52.

Dinomina ng Letran Knights ang kabuuhan ng laro at ito ang tanging larong kumbinsido si coach Bonnie Tan sa pagkapanalo.

Bago ito, ang pinakamalaking tagumpay ng Knights ‘ay 12 puntos laban sa Jose Rizal University.

Jerrick Balanza of Letran Knights together with Letran Alumni Batch 80 – 84

Gumanda ang stand ranking ng Letran kung saan  natapos ang unang round na tabla ang 4 na koponan sa pangalawang pwesto na may record na 6 wins 3 loss at ito ang mga koponan ng LPU Pirates, College of St. Benilde, San Sebastian College at Letran.

Nagtapos si Balanza na may 26 puntos sa 8-of-13 shooting sa loob lamang ng 24 minuto ng paglalaro.

Umagapay naman sa panalo ng Letran si Bonbon Batiller na may inambag na 10 puntos.

“Sana, peaking na nga kami. Alam nating mahaba yung liga, but we’re prepared for that,” coach Bonnie said.

Ang mga Scores:

LETRAN 88 – Balanza 26, Batiller 10, Olivario 7, Muyang 7, Caralipio 6, Yu 6, Ular 6, Balagasay 6, Ambohot 5, Reyson 5, Mina 2, Sangalang 2, Javillonar 0, Guarino 0.

CSB 64 – Belgica 12, Haruna 8, Naboa 7, Flores 7, Carlos 7, Nayve 6, Sangco 5, Lepalam 5, Gutang 3, Young 3, Leutcheu 1, Dixon 1, Velasco 0, Mosqueda 0.

QUARTER SCORES: 25-15, 46-35, 73-49, 88-64.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *