Catriona Gray handang pumasok bilang AFP reservist

Nagpahayag ng kahandaan si Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong Sabado na sumanib sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang reservist.

“I’ll be open to it,” ayon sa Filipina beauty queen sa panayam ng mag-courtesy visit siya sa AFP General Headquarters in Camp Aguinaldo, Quezon City.

“I think… is something that you [should] definitely learn… in giving back to your country in that way,” Gray said.

Sa ilalim ng AFP Reservist Act of 1991, ang mga reservists ay bibigyan ng mandato para tumulong sa AFP sa panahon ng giyera, pananakop o rebelyon; tumulong sa relief and rescue sa panahon ng disaster at kalamidad; tumulong sa socioeconomic development; tumulong sa operation at maintenance ng mga mahahalagang government o private utilities sa pagpapaunlad ng kanilang kabuuang misyon.

Gayunpaman, ang 2018 Miss Universe, ay hindi pa desidido kung sa aling service branch ng armed forces siya lalahok, sa Army, Navy o sa Air Force.

“I don’t know. I have to research first,” ani Gray.

Samantala, sinabi ng beauty queen na nagpahayag ang AFP ng kahandaan na tumulong sa kanyang adbokasiya.

“They expressed their desire to partner up with my advocacy and charitable causes, especially about education with the youth, and women empowerment,” aniya.

“So, I’m really excited to pursue that in the future.

I think it’s also inspirational for our Filipino youth to look up to military figures especially female soldiers and see the duality of strength and softness and also to aspire to have that nationalistic spirit,” dagdag nito.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *