Song Joong Ki, Song Hye Kyo nagharap ng diborsyo

Ang Korean superstars Song Joong Ki at Song Hye Kyo ay napaulat na nag-file ng diborsyo, na naghatid ng labis na kabiguan at kalungkutan sa buong mundo.

Inihayag ng abogado ni Joong Ki na si Park Jae Hyun na legal nang nagharap ng diborsyo noong June 26, ayon sa K-Pop website Soompi.

Sa statement na binasa ni Park, humingi ng paumanhin si Joong Ki sa kanyang mga taga-hanga at humingi ng pang-unawa.

“First, I’d like to apologize for delivering this unfortunate news to the many fans who love and care for me.

I ask for your understanding in regards to the fact that it is difficult to discuss the details of my personal life,” pahayag niya.

Idinagdag pa ng actor na umaasa siya na ang proseso ng diborsyo “can be wrapped up amicably.”

Ayon sa statement ni Hye Kyo’s agency, ang dahilan ng diborsyo ay ang ‘irreconcilable difference’ sa pagitan ng dalawang celebrities.

“The reason was because of their differences in personality.

They could not overcome their differences and led to this decision,”paliwanag nito.

Sina Joong Ki at Hye Kyo ay ikinasal noong October 31, 2017 matapos nilang bumida sa popular na series “Descendants of the Sun.”

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *