Eddie Garcia yumao na sa edad na 90

Pumanaw na ang beteranong actor na si Eddie Garcia.

Ayon sa medical bulletin na ipinalabas ng Makati Medical City nitong Huwebes, ang beteranong actor ay pumanaw dakong alas- 4:55 ng hapon, June 20.

Ito ay kinumpirma ni Dr. Tony Rebosa, spokesperson ng Garcia family.

“We join the entire Filipino community in praying for the soul of Mr. Eddie Garcia and his dearly beloved family and friends.

We extend our deepest condolences to the Garcia family,” nakapaloob sa statement.

Si Eddie Garcia ay may dalawang linggo naka-coma matapos itong maaksidente noong Sabado, June 8 habang nagte- taping para sa isang TV series.

Siya ay nadapa sa location at isinugod sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila subalit inilipat ito sa Makati Medical Center.

Sa unang diagnosed ng mga doctor sa Mary Johnston Hospital, inatake sa puso ang veteran at multi-awarded actor.

Gayunpaman, sa findings sa Makati Medical Center, si Garcia ay nagkaroon ng neck injury matapos itong madapa sa nasabing taping.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *