Eddie Garcia nagkaroon ng neck fracture, hindi inatake sa puso, ayon sa family doctor

Nagkaroon ng bali sa leeg at hindi nagka-heart attack ang veteran actor na si Eddie Garcia nang matumba at bumagsak siya habang nagsu-shooting sa isang TV series para sa GMA Network, ayon sa kanyang doktor na tumingin sa kanya nitong Linggo.

Ayon kay Dr. Enrique Lagman, family doctor ni Garcia, na ang actor ay hindi inatake sa puso alinsunod sa unang ulat.

“The doctors ruled out heart attack and stroke as proven by several validating tests done in Mary Johnston hospital.

He is in critical condition due to severe cervical fracture,” ayon sa kanyang pahayag na inilabas ng pamilya Garcia.

Sa kasalukuyan, si Garcia, 90 anyos, ay nasa malalim na pagkakatulog.

Nitong Linggo ng umaga, sinabi ng GMA na kanilang nirerebyu ang viral video ni Garcia tungkol sa pag-collapsed nito habang nagsu-shooting sa upcoming televison series para sa media network.

Isinugod agad si Garcia sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila matapos ang aksidente.

Sinabi ng pamilya ng veteran actor na nakatutok sila sa sitwasyon at humihiling sila na magkaroon ng privacy at panalangin.

Si Garcia ay itinuturing ng lahat bilang isa sa pinaka-versatile actors sa Philippine entertainment industry, na gumaganap kapwa lead characters at kontrabida sa action, comedy, drama, at maging sa mga fantasy films at television series sa kanyang career na umaabot na sa kalahating century.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *