Polish national natagpuang patay sa Palawan

Patay at nangangamoy na ang bangkay ng isang Polish national na lalaki nang matagpuan sa isang yate sa Linapacan, Palawan Sabado ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Goncz Zdzislaw, 60-anyos na residente ng Puerto Princesa, dahil sa nakuhang ID mula sa kanya, ayon sa pulisya.

Napag-alaman na dumating umano at nag-angkorahe ang yate ng biktima sa Barangay New Colaylayan nitong Marso 17.

Huling nakitang naglalakad sa yate ang sakay nito noong Miyerkules.

Gayunpaman, makalipas ang ilang araw, napansin ng mga opisyal ng barangay na wala nang aktibidad sa yate kaya’t pinuntahan na nila ito para suriin, dahilan para mahanap ang bangkay ni Zdzislaw.

Naipagbigay-alam na rin sa kaniyang pamilya ang insidente, ayon sa pulisya.

Please follow and like us:

1 thought on “Polish national natagpuang patay sa Palawan”

Leave a Comment

Your email address will not be published.