P1.8 million halaga ng shabu nasamsam sa CamSur

Tinatayang aabot sa P1.8 million halaga ng pinaghihinalaang shabu at sachet ng marijuana ang nasamsam sa isang drug raid sa bayan ng Nabua, Camarines Sur Sabado ng umaga, ayon sa pulis.

Ang suspek ay naaresto sa loob ng kanyang bahay, kung saan nakuha ang mga illegal drugs.

Dinampot din ang isang lalaking at minor na kapwa nasa loob ng bahay ng suspek.

Ayon kay Police Major Chester Pomar, ang suspek ay pang-apat sa mga drug personality sa nasabing bayan.

“Matagal na itong nire-report sa atin na involved sa distribution ng illegal drugs. And at the same time yung mga drug personalities natin lumalabas na sa kanya rin kumukuha. So, ini-expect namin na maraming makukuha,” ani Pomar.

Nakuha rin ang caliber .45 handgun, tatlong magazines, at mga bala mula sa pag-iingat ng suspek.

Please follow and like us:

107 thoughts on “P1.8 million halaga ng shabu nasamsam sa CamSur”

Leave a Comment

Your email address will not be published.