Boracay Island, nilusob na ng mga illegal foreign workers

Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang pagbuo ng konseho para harangin ang mga illegal foreign workers na magtrabaho sa Boracay.
Ayon kay Aklan local government unit (LGU) consultant Odon Bandiola kanilang inirekomenda ang paglikha ng konseho matapos ang ulat na umaabot na sa 2,000 illegal foreign workers sa isla.
Sinabi sa ulat natuklasan ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE), maraming illegal foreign workers ang nagtatrabaho sa mga kontruksiyon, hotel service at tour sectors, at marami pang iba.
Ang konseho ang bibigyan ng mandato para hulihin ang mga illegal foreign workers at makikipagtulungan sa BI at DOLE.

Nitong nakaraang buwan lamang, pinagtibay ng gobyerno ang P25-billion Boracay Action Plan na nilagyan ng mga safeguard mula sa ecological degradation at sustain tourism activities sa isla.
Kasunod muling buksan noong Oktubre, limitado na ang dumarating na mga turista hanggang 6,405 bawat araw, 19,00 turista lamang ang pinahihintulutan sa Boracay anumang araw.
Ipinag-utos ni President Rodrigo Duterte pagpapasara sa Boracay sa loob ng anim na buwan upang isakatuparan ang rehabilitasyon na nagsimula noong April 26, 2018.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *