Mutya ng Pilipinas-Tourism International nakasama sa Top 5

MANILA -Nakasama sa Top 5 ang kandidata ng Pilipinas sa Mutya ng Pilipinas-Tourism International na si Aya Fernandez sa idinaos na Miss Tourism International 2018 pageant na ginanap sa Malaysia, Biyernes (Disyembre 21)

Si Fernandez, na itinanghal na “Dream Girl of the Year International,” ay nabigong maiuwi ang “ two-peat win” para sa Pilipinas sa pagkakatanghal kay Jannie Alipo-on bilang Miss Tourism International 2017 kung saan inilipat nito ang korona kay Astari Vernideani ng Indonesia.

Si Sarah Pkyach ng Kenya ang itinanghal na “Miss Tourism Metropolitan International,” si Sandra Callahan ng Australia ang nanalong “Miss Tourism Global,” habang si Laura Scuchare ng Latvia ang kinoronahang “Miss Tourism Cosmopolitan International.”

Ang host delegate mula sa Malaysia ay pinagkalooban ng special award na tinawag na “Miss Southeast Asia Tourism Ambassadress.”

Bago siya sumali sa Mutya ng Pilipinas, si Fernandez ay kinoronahang Miss Teen Earth Philippines noong 2015.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *