Tarrification Law sa bigas makakatulong ba sa mga magsasaka?

Napipintong pirmahan ni Pangulong Rodrigo ang isang panukalang batas na magpapahintulot ng liberalisasyon sa industriya ng bigas sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Pinol, kung maging batas na ang tariffication bill, hindi na magbebenta ng murang bigas ang National Food Authority (NFA).

Maganda ang nasabing hakbangin kung magkatotoo na ang NFA at Department of Agriculture ay magpopokus sa pagpapabuti ng cost-efficient system na makakatulong na magpababa ng production cost ng mga lokal na aning bigas at mapanatiling mababa ang presyo nito sa merkado.

Aalisin na rin ang karapatan ng NFA na mag-angkat at mamahagi ng murang butil. Ang solong magiging gawin ng NFA ay ang pagbili ng butil mula sa mga magsasaka para mapanatili ang buffer stocks para sa kalamidad at emergency.

Maganda ito kung totoo talagang susuportahan ng gobyerno ang production cost ng ating magsasaka sa ilalim ng inaasang tariffication law, ipauubaya na sa pribadong sektor/negosyante ang pag-iimporta ng bigas sa ibang bansa.

Ang nakakatakot dito, baka abusuhin naman ng mga negosyante ang ipaiiral na liberalisasyon sa industriya ng bigas sa pamamagitan ng pag-importa ng nasabing butil. Hindi maiiwasan na magkakaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng mga negosyanteng ito para makapagdala ng mas murang bigas na nakakatiyak tayo na siyang bibilhin ng mga Pinoy.

Paano na ang kita ng ating mga magsasaka na hanggang ngayon ay nanatili silang pinakamahirap na sector ng lipunan

Magpatupad sana ng mahigpit na panuntunan at limitasyon ang gobyerno  para sa pag-iimporta ng bigas dahil baka dumating ang panahon na aabusuhin ito at bahain na tayo ng mga imported na bigas na labis namang makakaapekto sa ani ng mga lokal na magsasaka.

Sana bigyan sila ng suporta ng gobyerno upang maibsan ang cost-production sa pamamagitan ng libreng patubig, binhi at mga pangangailangan para mapangalagaan ang kanilang pananim hanggang sa pagdala nito sa pamilihan.

Hindi lang sana bigas at mais ang bibilhin ng gobyerno sa mga magsasaka kundi gayundin ang kanilang mga aning prutas, gulay, root-crops at iba pang produkto at ang gobyerno na ang magbebenta ng kanilang ani para makagaan naman sa kanilang gastusin.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *