P50B right-of-way budget bantayan.

Pinagdududahan ng mga militanteng grupo ang P50 bilyong pondo na nakalaan umano sa right-of-way (ROW) ay talagang magagamit sa nasabing layunin.

Ang nasabing pagdududa ay inihayag ng isang militanteng congresswoman dahil maging ang mga kaalyado umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kinukuwestiyon ang P75 Billion insertion umano ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa 2019 national budget.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, kailangang mabusisi at bantayan ang paggamit sa ROW funds na ito na ipambabayad umano sa mga private properties at komunidad na dadaanan ng mga Builb, Build, Build Project ng Duterte government.

Tumaas ang pondong ito ng halos P20 Billion dahil sa kasalukuyang taon ay P36.7 Billion lamang subalit magiging P56.7 Billion na ito sa susunod na taon.

Sinabi ng mambabatas na matindi ang pagtatanggol ni Diokno sa nasabing pondo dahil kailangan umanong maitayo ang mga imprastraktura na nakapaloob sa BBB program.

Gayunpaman, marami umanong komunidad ang binabakbak sa kanilang lugar na hindi na nababayaran taliwas sa depensa ng Kalihim na para sa mga biktima ng demolisyon ang nasabing pondo.

Lumalabas na gagamitin lamang ang BBB projects, upang gawing ‘milking cows of corrupt politicians and contractors’ ang nasabing pondo.”

Sobrang ginigisa ang mga mahihirap nating kababayan sa sarili nilang mantika.”

Bunsod dito, kailangang bantayan aniya ng publiko ang pondong ito dahil maaaring hindi ito mapakinabangan ng mga komunidad na isinasakripisyo para maitayo ang mga proyekto ng gobyernong Duterte.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *