Kamara dismayado sa bullying incident sa ADMU

Labis na ikinalungkot ng Kamara ang pambu-bully ng isang Junior High School student sa Ateneo de Manila University University (ADMU) na nag-viral sa social media dahil sa kabila nang pagkakaroon ng batas laban sa pambu-bully ay nangyayari pa rin ito.

“It pains and makes me mad to see this video as a parent and author of the anti-bullying Law.. Bullying or even worse, senseless violence has no place in any educational institution,” dagdaag pa ni Batocabe.

Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe, isa sa mga may-akda sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, hindi dapat palagpasin ng ADMU ang nasabing insidente at ipatupad ang batas sa mga lumalabag dito.

Higit umano siyang nadismaya at nalulungkot ang mambabatas sa impormasyon na may pagtatangkang pagtakpan ang insidente sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga magulang at estudyante sa ADMU na huwag nang ikalat ang video.

“We urge ADMU to be transparent and take concrete actions to give justice to the boy who was bullied and his parents while committing the obviously dysfunctional and sick bully to counseling and professional medical help. I reiterate —there is no place for bullies in our schools!,” ayon pa kay Batocabe.

Kaugnay nito, sinabi ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, kailangang ipakita ng ADMU na hindi lang hanggang slogan ang kanilang pagsuporta sa anti-bullying law kundi seryosong pagpapatupad ng nasabing batas sa kanilang institusyon.

“Schools should go beyond simply having an anti-bullying campaign with slogans as primary tools. They should create proactive monitoring systems and feedback mechanisms.

Counter intelligence, as it is known in the armed services,” ani Biazon. Ginawa ni Biazon ang pahayag dahil sa mga balitang sisipain ng ADMU sa kanilang eskuwelahan ang estudyanteng nambully sa kaniyang kapwa estudyante sa loob ng comfort room ng eskuwelahan bilang parusa.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *