Ateneo probe sa bullying incident minomonitor ng DepEd

Sinusubaybayan ng Department of Education (DepEd) ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso nang napaulat na pambu-bully ng isang Ateneo Junior High School student na nakunan ng video.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan , ipinauubaya nila sa administration ng paaralan ang pag-iimbestiga at saka na lamang umano sila makikiaalam kung hindi masisiyahan ang isang partido sa resulta ng imbestigasyon.

“Our regional director has written the principal of the school stating na itong matter na ito ay nakaabot na sa aming kaalaman and we trust that they will handle this based on the standards of the child protection policy and that we be updated on the matter,” pahayag nito.

Sinabi ni Malaluan na ang DepEd ay may hurisdiksyon sa mga private schools kaugnay sa pagpapatupad ng mga polisiya.

Sa ipinalabas na pahayag ng DepEd, sa ilalim ng Republic Act No. 10627 or the Anti-Bullying Act of 2013 lahat ng public at private kindergarten, elementary at secondary schools ay kailangang magsumite ng kopya ng kanilang child protection or anti-bullying policy sa Division Office sa loob ng anim na buwan mula nang pormal ng ipatupad ang DepEd Order No. 55 o ang Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas.

“The same shall be submitted to the Regional Director in addition to the requirements for an application for permit to operate and/or recognition as prescribed by the existing rules of the Department,” aniya.

Ayon sa DepEd, ang mga private schools na bigong sumunod sa nasabing requirements na nakasaad sa RA 10627 or sa IRR ay mapapatawan ng kaparusahan alinsunod sa itinakda sa batas.

Tumanggi namang magkomento si Malaluan, kung anong kaparusahan ang maaring ipataw sa batang sangkot sa pambu-bully , ito aniya ay ibabasa sa magiging resulta sa imbestigasyon ng paaralan.

“That (penalty) must be based on the facts that will be established,” paliwanag niya, kung saan idinad-gdag pa nito na manghihimasok lamang ang DepEd kung hindi kung may partidong hindi masisisyahan sa magiging kinalabasan ng resulta.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *