NBI handang tumulong sa La Union ambush

Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na tutulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iimbestiga sa naganap na pag-ambush at pagpatay sa bise alkalde ng La Union nitong araw ng Miyerkules. “I have alerted the NBI to stand by and join the investigation as the circumstances may warrant,” ayon kay Guevarra.

“As much as possible, we want the local police to assume primary responsibility,” dagdag pa nito. Ayon sa Kalihim, sa kasalukuyan, naka-monitor lang ang NBI sa mga kaganapan, dahil nais nila  ang mga lokal na pulis ang mangunga sa pagsasagawa ng imbestigasyon at maglutas sa nasabing kaso.

Napatay si Vice Mayor Alfredo Concepcion habang nakaligtas naman ang kanyang anak na si Mayor Aleli Concepcion matapos ratratin ng armadong grupo ang kanilang sasakyan sa naganap na ambush nitong Miyerkules sa Balaoan Luna Rd., Barangay Kabuwaan, La Union dakong alas-8:10 ng umaga.

Nabatid na patungo sana sa Munisipyo ang mag-ama nang maganap ang pananambang. Magkasama umano sa iisang sasakyan ang dalawang opisyal na dadalo sana ng regular na sesyon ng kanilang bayan.

Nagtamo ng maraming bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bise alkalde habang hindi naman napuruhan ang kanyang anak. Bulagta rin sa nasabing pananambang ang isa sa mga bodyguard ng mag-ama na si Mike Ulep.

Kapwa isinugod sa Balaoan District Hospital at pagkatapos ay inilipat sa Lorna Medical Center sa San Fernando City subalit kapwa idineklrang dead on arrival sina Vice Mayor Conception at Ulep. Si Mayor Concepcion ay kasalukuyan pa ring ginagamot sa isang hospital sa mga tinamo nitong tama ng mga bala sa naturang insidente.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *