El Nido Palawan, isinunod sa Boracay rehabilitasyon

Anim na buwang rehabilitasyon ang gagawin sa  El Nido Palawan ito ay matapos magpulong ang kawani ng ahensya at madiskubre ang maraming paglabag at walang kaukulang business permit ang 22 travel and tours.

Limang  mga kainan at hotel ang lumabag sa 3-meter setback at isyu sa tubig at kalinisan kaya pinatawan ito ng temporary closure.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, tanging mga lumabag lamang na mga establishimyento ang ipinasara nila at hindi ang buong isla.

Nagkusa naman ng boluntaryong pagsira ang may 70 establishimyento dahil sa paglabag,

Bukod sa Boracay ng Malay Aklan at El Nido Palawan ay mag iinspeksyon pa ang Ahensya para sa iba pang tourist spots upang siguraduhin na wala ng paglabag at pag abuso sa lugar.

Please follow and like us:

1 thought on “El Nido Palawan, isinunod sa Boracay rehabilitasyon”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *